OVERPOPULATION OF THE PHILIPPINES
Ang ating bansa sa ngayon ay overpopulated na o lumalagpas na sa bilang ng tao na dapat naninirahan sa isang lugar.Marami ang nagsasabi na ang mabilis na paglobo ng ating populasyon ay hindi makabubuti sa ating bansa, marami ang nagsasabi nito sapagkat marami daw ang maghihirap kapag ang ating populasyon ay magpapatuloy sa mabilis na paglobo o paglaki. Kaya naman ang ating gobyerno ay naglunsad ng mga programa at batas para ito ay mapabagal, gaya nalang ng RH BILL, ito ay isang batas na nagsasaad ng mga kondisyon gaya ng, pagpapalaganap ng paggamit ng contraceptives at iba pang paraan upang mapigilan ang pagbilis ng paglaki ng ating populasyon.Marami ang tumututol dito, lalo na ang ating mga taong simbahan, sapagkat ang mga kondisyon daw na isinasaad nito ay taliwas na sa turo ng simbahan at pumipigil ng buhay.
Kaya naman sabi ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes na dapat ikatuwa ng pamahalaan at lahat ng Filipino ang lumalaking populasyon sa bansa.Ito ang reaksyon ng Obispo, matapos sabihin ng Population Commission o POPCOM na maaring umabot sa 97.9 milyon ang populasyon ng Pilipinas ngayong taong 2013.Ayon kay Bishop Bastes, dapat nating ikagalak ito dahil alam naman ng lahat na ang labor force o lakas paggawa ng bansa gaya ng mga O-F-W ang bumubuhay sa ating ekonomiya. Giit ng obispo, kailanman ay hindi maituturing na pabigat ang malaking populasyon dahil ito ang asset at lakas ng isang bansa.Tanging gawin lamang aniya ng pamahalaan ay alagaan ito,suportahan at pagyamanin ang kakayahan at talento ng bawat indibidwal.
Kung iyong sisipatin mabuti, may punto ang sinasabi ng obispo.Isipin mo rin ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng malaking populasyon, maaari ngayon ay maraming mahirap na sa kalaunan ay yayaman dahil mas marami ang mangangailangan ng trabaho at magkakaroon ng trabaho. Marami ang pwedeng umunlad at makaambag sa pag usad ng ating ekonomiya. Sa tingin ko mas maganda kung titignan natin ang magandang epekto ng ating problema at pagyamanin natin ito.Ako din ay naniniwala na ang malaking populasyon ay isang biyaya mula sa Panginoon, gaya nga ng sabi sa Bibliya "humayo kayo at magpakarami", sa tingin ko nasusunod naman natin to.
Itong blog na ito ay magsisilbing "eye opener" o isang bagay na makakapagpagising ng ating mga isipan. Kailangan nating tignan ang mabuting dulot ng ating problema na maaari ding makatulong sa pagresolba nito.